Thursday, May 24, 2012

Speech!!! :o


Bakit sa Unibersidad ng Pilipinas?
               Bago  ko masagot ito, ako muna'y magpapakilala. Magandang umaga sa inyong lahat. Edie Aimee Chavez Octaviano ang aking pangalan, mula sa lungsod ng Quezon, nagtapos ng haiskul sa FEU-FERN Diliman, bagong mag-aaral ng UPLB sa kursong BS Mathematics and Science Teaching.
               Ang aking ina ay maraming kursong inaral. Dalawa sa mga paaralang kanyang pinagtapusan ay ang UP Visayas at UP Diliman. Sa kanilang walong magkakapatid, lahat sila nakapasa ng UPCAT ngunit lima lang ang pinursigi ito. Bilang ikaapat na anak sa aming pitong magkakapatid, umasa ang aking ina na pumasa  naman sana ako rito sapagkat hindi nakapasa ang mga kapatid  kong nauna sa akin. Ang pangarap ng aking ina na makapasa ako ay kinalaunan ay naging pangarap  ko na rin palibhasa, sa pamamagitan ng kanyang mga kwento ay minulat niya ang aking mga mata sa ganda ng kalidad ng edukasyon ng UP.
               Alam ng lahat na mataas ang tingin sa mga nakapagtapos rito. Ika nga ng aking gurong tumulong sa aking makapasa rito na isa ring nagtapos sa UP ay malaki raw ang respeto sa kanila na nasa punto ng kapag ikaw ay mag-aaplay ng trabaho, 'pag nakita raw na ikaw ay nagtapos sa UP, napakalaki ng tsansang matatanggap  ka agad dahil alam nila ang lawak ng iyong pinag-aralan. Nais kong magamit ang aking utak sa layo ng makakaya nito at alam kong magagawa ko iyon rito.
               Kaya nang malaman kong pumasa ako sa UPCAT, hindi maipinta ang kasiyahang aking naramdaman. Ako'y napasigaw ng sobrang lakas nang makita ko ang aking pangalan sa websayt kung saan makikita ang mga pangalan ng mga kapwa kong nakapasa. Sa sobrang lakas ng aking pagsigaw ay nagising ang dalawang sanggol sa aming bahay. Hindi man ako pumasa sa aking unang piniling kursong BS Biology, sobra sobra na ang ligayang aking nadama. Pagsisikapin ko na lang ang pag-aaral at sa aking ikatlong taon ng BS MST, Biology ang field na aking ipagpapatuloy.
               Sa aking labing anim na taong pagkabuhay sa mundong ito, gaya ng aking mga kapwa estudyante ay ilang beses na rin akong natanong tungkol sa aking mga pangarap. Kung anong gusto kong marating at kung anong gusto kong makamit, maraming beses na naitanong sa akin ng aking mga naging guro, kaibigan, kamag-aral, at lalong lalo na ng aking mga kamag-anak. Gaya ng marami, naguguluhan pa rin ako dahil hindi ako sigurado kung maabot ko nga ba talaga ang nais kong maabot.  Hanggang sa matagpuan ko ang sagot sa aking mga katanungan... Unibersidad  ng Pilipinas sa Los Banos, Laguna. Sigurado akong basta't nandirito ako, makakamtan ko ang aking mga pangarap kahit gaano pa ito kalaki at kahit gaano pa kamukhang imposible.
               Bakit dito? Bakit sa Unibersidad ng Pilipinas? Kailangan tayong mga iskolar ng bayan para tumulong sa ikabubuti ng ating lupang hinirang. Bakit UP? Dahil wala ng iba. Wala ng ibang unibersidad ang makakapagpatupad ng aking mga pangarap. Wala ng iba pang mas hihigit pa sa UP. Noon ay pangarap ko lamang ang maging iskolar ng bayan at iskolar para sa bayan. Ngayon ako'y ganap  nang isa sa libo libong iskolar sa ating bansa. Nararapat lamang sabihin na ito'y tunay na napakalaking karangalan. Hindi lang karangalan ngunit isa ring napakalaking pribilihiyo at kaakibat ng pribilihiyong ito ang mas higit pang mabigat na tungkulin, misyong ating dapat gampanan.
               Paano natin maibabalik sa bayan ang lahat ng kanyang ibinigay sa atin? Paano natin magagawa ang obligasyong ito? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng ating lupang sinilangan, pagbibigay  galang sa mga nakatatanda at pagbibigay respeto sa bawat isa. Simple ngunit, sa ngayo'y ang mga ito pa lamang ang ating magagawa bilang mga estudyanteng kakahakbang pa lamang sa buhay kolehiyo.
               Kailan natin sisimulan? Pagkatapos pa ba ng apat, lima o, anim na taon? Hindi dapat natin hintaying tayo'y makapagtapos muna bago natin simulan ang paglingkod sa ating bayan. Ngayon. Ngayon na. Ngayon na natin dapat simulan. Ang responsibilidad na ibinigay sa atin na paglingkuran ang bayan ay nararapat nating pagbutihin.
               Para sa akin, ang pagiging iskolar ay para na ring pagkakaroon ng kapangyarihang baguhin ang mga dapat baguhin. Kay rami ng mga suliranin ng ating bansa sa kasalukuyan at madadagdagan at madadagdagan pa ito kung walang kikilos para masolusyonan ang mga ito. Bilang iskolar ng bayan at iskolar para sa bayan, naniniwala akong malaki ang ating maitutulong sa paghubog ng ating magandang kinabukasan.
               Muli, ito si Aimee Octaviano nagsasabing tara na at simulan na natin ang ating paglilingkod.
               Maraming salamat po.

Sunday, May 13, 2012

Happily in love :)

I'm dating this guy for a month now. His name is Nikolai. :) We've been really close friends since the start of our senior year in highschool but I only noticed my feelings for him on the last month of the school year. I posted about our Hamlet play before right? During our practices, that was when we became closer like there was a spark for me na hahah k. Uhm we got super close nung start ng school year eh, June-July 2011. We were seatmates in Music class. Talked on the phone a lot. We became homies. ;) He thought I was flirting with him but to be honest, I wasn't though I had a tiny crush on him haha. We used to ask each other for love advice and such. I even used to help him out on my bestfriend whom he used to have a crush on hahahha :D ayuuun then we grew distant. Cause I heard a rumor about him spreading bad rumors about another close friend of mine so yea I was forced to ignore him. It was really hard to cause he was so persistent, following me and talking to me hahah!!! Ayuun. Pero nung mga 3rd quarter of the SY na, the rumor was long forgotten and I started talking to him again :) About P, the guy who broke my heart -___- Nikolai was the only one giving me advice like leave P and stuff na before. He was right. :) Ayuuuun. I have him to thank for that. Nooow, I am happily in love with him. :D We just celebrated our 1st monthsary last Friday, May 11. :)

I. Am. Sad. :(

In less than a month's time, I'll be leaving for Laguna. That's a three hour drive from here. I'll be studying there while he stays here in the city. :( he'll be taking nursing at FEU-NRMF. I will miss him so much so so so much. :( I'll be going home every end of the month lang :( I trust myself that I won't be falling in love with anyone else... I trust him too. But I don't trust the people around him. I know for a fact that a lot of girls will be aiming for him. I mean c'mon who wouldn't!! :( He's perfect. I'm so scared that others would see what I see in him and would fall for him too :( damn this.


At the moment, I'm feeling super emotional cause we haven't talked a lot yesterday and today as well. :( I keep thinking... oh this is what it would feel like when we're apart na. :/ I'm scared of losing him so much that I don't know what to do anymore. We're exact opposites. He parties, I stay at home. He's rich. I'm not. He's a good dancer, I ABSOLUTELY AM NOT HAHAHA. I dunno, it just seems like we live in different worlds. Literally? Hahahha k. I love him so muuuch. :)

I wanna marry him. :) This time, it's for sure. :D


Whatever happens, I'll be fighting for this love. But if I can't make him happy, I have to let him go. :'(